18.8.15

My Monthly Salary and Expenses - OFW in Saudi Arabia

MMSTAR


Kung ikukumpara ko ang sahod ko sakanya, ang liit pala ng sahod ko, si kuya marcelino bago kung kaibigan dito sa Saudi, minsan lang kami nagkita at nagkakilala/nag-kausap, nakasalubong lang sa daan hangang humaba yung usapan namin at na enjoy ko naman kasi parehas kaming free time kaya napag usapan na rin namin ang mga sahod-sahud na yan. Ganun pa man nag papasalamat parin naman ako sa mga employers ko kasi kahit mas maliit sakin di na bale kasi single nga ako at wala pa naman akong asawa, so nakakatipid parin, sa too niyan aabot lang ng mga 2,230 S.R. kapag may overtime ako, ang basic ko po ay 1,600 S.R. diba ang layo ng sahod ko sa kanya? eh parehas lang kami ng position, pero sa ibang company siya, hindi ko na babanggitin ang mga company kung saan kami nag tratrabaho. Hindi naman ako binayaran para mag indorse. hehe joke!

Mahirap din naman maging OFW lalo na kung dito ka na destino o kahit saang sulok pa nang mundo, ay akala ng lahat na nasa pilipinas mayayaman at maganda na ang mga katayuan namin/natin dito, so ano pa magagawa if that's what they think to us, ang totoo hindi naman nila alam pa or na experience ang ginagawa natin or buhay natin dito. Kung ikukumpara sa lugar natin parehas lang ang buhay dito jan, minsan malungkot, minsan masaya, ang difference lang po ay ang pera natin maliit ang kita. Ganun pa man mas nakakalamang kaming mga nasa abroad ng kunti kasi may value ang halaga ng pera nila.

MMSTAR


Yung savings ko kahit kunti, ang iniisip ko ngayon ay ang pagkumpuni sa bahay namin, sa totoo niyan guys masuwerte parin naman kami kasi samin yung lupa (may titolo) yung home ng ibang OFW jan nangungupahan lang at binabayaran nila ang upa buwan-buwan, kamakailan nitong linggo  ka papadala ko ng allowance nila sa bahay ng parents ko at kapatid, sa wakas kahit kunti lang naitulong ko sa kapatid ko sa pag-aaral niya sa collage awa ng dios nakapasa naman siya sa Deped education training system at kasalukuyang nag tuturo na siya ngayon sa currimao, ilocos norte bilang certified public teacher na po. Mababawasan na rin ang expenses so may tutulong na sakin para maka ahon sa hirap.

Halos parehas lang naman kami ni kuya marcelino ng expenses kaso ang gastos ko lang talaga ay ang daily food at remittance, yung pinapadala ko sa atin pang pa gawa ng bahay kasi dipa siya tapos yung savings ko kunti lang kaso hindi parin makakatulong talaga especially pag ako ay nagkaroon na ng sariling family diba? 

What is the most hardest part naman kasi pag umuwi ka sa pinas maraming uutang sayo tapos mag yayaya mga kaibigan mo sa beach at kung saan saan, alangan naman unahin ko pa sila? an tagal kung hindi nakikita family ko tapos mga barkada lang pala uuwian ko? or GF? sabagay wala pakong GF, walang pang nagkakagusto sa akin.

So yan lang po sana makatulong po kahit kunti sa mga makakabasa mag karoon ng idea at paniniwala sa sarili n taiga at galing lang po sa diskarte sa buhay.








No comments:

Post a Comment

Thank you for your comment!

Blog Archive